Skip to content

Mga uri ng plan ng Medicare: Hanapin ang angkop para sa iyo

Hayaan ang Blue Shield of California na tulungan kang gawing mas madali ang pagpili ng Medicare plan. Tuklasin ang mga plan na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong magamit ang mga benepisyong pinakamahalaga sa iyo.

 Tuklasin ang mga plan sa inyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.

Mabilisang paghahambing ng mga Medicare plan ng Blue Shield

 


 
Original Medicare Medicare Supplement plan Medicare Prescription Drug Plan (Part D) Medicare Advantage (Part C at D) Dual Special Needs Plan

Ospital (Part A)

Oo Oo   Oo Oo

Pagbisita sa doktor (Part B)

Oo Oo   Oo Oo

Bawasan ang gastos mula sa sariling bulsa para sa medikal

  Oo   Oo Oo

Inireresetang gamot

    Oo Oo Oo

Kumunsulta sa sinumang doktor o anumang pasilidad ng U.S. na tumatanggap ng Medicare

Oo Oo      

Paningin, dental, at pandinig1

      Oo Oo
Nagsasaayos ng programa at serbisyo ng Medicare at Medi-Cal         Oo
Aling Medicare plan ang angkop sa mga pangangailangan mo?
Gusto ko ng isang abot-kayang Medicare plan na madaling i-manage at may malawak na saklaw ng coverage.

Isaalang-alang: Mga Medicare Advantage Prescription Drug (MAPD) plan
Gusto kong mapunan ang mga hindi saklaw ng aking Original Medicare coverage.
Isaalang-alang: Medicare Supplement plans
Gusto ko lang ng saklaw para sa mga inireresetang gamot
Isaalang-alang: Medicare Prescription Drug Plan (Part D)
Kwalipikado ako para sa Medi-Cal at Medicare
Isaalang-alang: Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP)
Tampok: Nagtatrabaho pa ako, kailan ako dapat pumili ng Medicare plan?
Magreretiro pagkatapos mag-65?

Puwede kang maging kwalipikado para sa isang Espesyal na Panahon ng Enrollment. Karaniwang nagsisimula ang walong buwang panahong ito kapag natapos ang coverage mo mula sa employer.

Mag-65 taong gulang na pero hindi pa magreretiro?

Maaari mong panatilihin ang kasalukuyan mong coverage para sa kalusugan mula sa iyong employer o lumipat sa isang Medicare plan. Kung gusto mong lumipat, kailangan mong mag-enroll sa Paunang Panahon ng Enrollment. Ito ang tatlong buwan bago ang ika-65 mong kaarawan, ang buwan ng iyong ika-65 kaarawan, at ang tatlong buwan pagkatapos nito.

Mga MAPD plan kumpara sa mga Medicare Supplement plan

  • Pinapalitan ng mga MAPD plan ang Original Medicare, samantalang idinadagdag naman ang mga Medicare Supplement plan sa Original Medicare.
  • Mas mababa ang premium ng mga MAPD plan at pinagsasama ng mga ito ang iba’t ibang saklaw sa iisang plan batay sa network ng mga provider samantalang mas mataas naman ang premium ng mga Medicare Supplement plan, pero mas malaya kang pumili ng mga provider sa buong bansa at kailangan ding samahan ito ng plan para sa mga inireresetang gamot (Medicare Part D) at dental plan.

Kailangan mo pa ba ng karagdagang impormasyon bago ka pumili?

Kumonekta sa mga eksperto sa Medicare
Mga event ng Medicare

Dumalo sa isang Medicare event na ginaganap nang personal sa inyong lugar o sa isang online webinar para matuto pa tungkol sa mga Blue Shield Medicare plan at masagot ang mga tanong mo.

Mga Blue Shield Medicare Advisor

Handa ka na bang gawin ang susunod na hakbang? Narito ang aming dedikadong team para matiyak na makukuha mo ang saklaw na kailangan mo. Tawagan kami sa (866) 495-2062 (TTY: 711)* para makausap ang isang Blue Shield Medicare Advisor.

Iba pang resources tungkol sa Medicare
Ano ang aking mga opsyon sa Medicare?

Ang Original Medicare ay nagbibigay ng pangunahing insurance covergare para sa ospital at medikal. Pero mapapansin mo na hindi nito sinasaklaw ang lahat ng serbisyo at supply na kailangan mo.

Pagsilip sa iyong mga opsyon sa saklaw ng Medicare - video

Alamin ang tungkol sa mga opsyon sa plan mo at kung bakit maaaring naisin mong mag-enroll sa isang partikular na uri ng plan.

Mag-download ng libreng gabay para sa mga opsyon sa Medicare†

Kumuha ng libreng kopya ng  "Ang Iyong Ginagabayang Landas sa Medicare" para maintindihan ang mga puwede mong pagpiliang saklaw.

Maghanap ng plan sa inyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.

 

1 Ang mga benepisyo ay nagkakaiba-iba depende sa plan at county.

 

 

 

 

Y0118_26_141D1_M Accepted 10062026
H2819_26_141D1_M Accepted 10062026

Huling na-update ang page: 10/06/2026