Skip to content

Ang Dual Special Needs Plans (D-SNPs) ay isang uri ng Medicare Advantage plan na pinagsasama ang iyong saklaw sa Medicare at Medi-Cal sa iisang plan. Nag-aalok ang plan ng libre o murang coverage sa pangangalagang pangkalusugan. Available ang Blue Shield Medicare + Medi-Cal Plan sa mga county ng Los Angeles at San Diego.

Tuklasin ang mga Medicare plan sa inyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Kailangan mo ba ng personal na gabay?

Tumawag ngayon para malaman ang higit pa tungkol sa Blue Shield Medicare + Medi-Cal Plan at sa lahat ng benepisyong iniaalok nito sa (844) 440-0317.*   

Ano ang mga benepisyo ng D-SNP plan?

Sa Original Medicare o karaniwang Medicare Advantage plan, maaaring kailangan mong magbayad ng premium (buwanang bayarin) o copay para sa mga pagbisita sa doktor (halagang babayaran sa oras ng pagpapatingin sa klinika). Sa Blue Shield Medicare + Medi-Cal Plan, $0 ang iyong premium at $0 ang copay para sa mga saklaw na serbisyo, at may dental coverage ka rin nang walang karagdagang gastusin.. Dagdag pa rito, makakakuha ka ng mga karagdagang mga benepisyo tulad ng:

  • Mga allowance para sa pagkain at mga over-the-counter na item

  • Pangangalaga sa pandinig, kabilang ang mga hearing aid

  • Pangangalaga sa paningin, kabilang ang mga frame ng salamin sa mata, mga lente, o mga contact lens

  • Pangangalaga sa ngipin, kabilang ang mga dental crown at pustiso 
Karapat-dapat ba ako para sa Medicare at Medi-Cal Plan?

Para mag-enroll sa isang pinagsamang Medicare at Medi-Cal plan (o D-SNP), kailangan mong maging kwalipikado para sa parehong Medicare at Medi-Cal. Hindi sigurado kung kwalipikado ka? Tumawag sa isang Blue Shield Advisor ngayon sa(844) 440-0317.*

Personal na gabay para sa iyong pangangalagang pangkalusugan—nang walang dagdag na gastos.

Bawat miyembro ng Blue Shield Medicare + Medi-Cal Plan ay may nakatalagang care coordinator. Ituring mo sila bilang iyong personal na gabay na tutulong sa iyong maikonekta sa mga serbisyong kailangan mo.

Matutulungan ka ng iyong care coordinator sa mga bagay tulad ng:
 

  • Pag-unawa sa pangangalagang pangkalusugan

  • Pagkuha ng suporta para sa kalusugan ng isip o problema sa paggamit ng droga o alak

  • Paggamit ng iyong mga benepisyo sa ngipin

  • Pagkuha ng masasakyan papunta sa mga medikal na appointment

  • Pag-aayos ng pangmatagalang pangangalaga sa bahay, sa isang pasilidad ng pangangalaga, o pag-access sa mga programang pang-araw.
Mga madalas itanong
Mawawala ba ang aking Medi-Cal kapag sumali ako sa Medicare at Medi-Cal Plan?
Puwede ba akong manatili sa aking kasalukuyang doktor?

Maghanap ng plan sa inyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.

Ang benepisyong nabanggit ay isang Espesyal na Karagdagang Benepisyo para sa May Hindi Gumagaling na Sakit (Special Supplemental Benefit for the Chronically Ill, SSBCI). Hindi lahat ng miyembro ng plan ay kwalipikado. Ang pagiging karapat-dapat ay batay sa kahulugan ng "enrollee na may hindi gumagaling na karamdaman". Kasama sa mga hindi gumagaling na kondisyon ang mga sumusunod, pero maaaring may iba pa: Mga cardiovascular na karamdaman; Hindi gumagaling na pagpalya ng puso; Diabetes mellitus; Labis ang timbang, labis na katabaan, at metabolic syndrome; at Hindi gumagaling na mga karamdaman sa baga. Pakitingnan ang Handbook ng Miyembro ng Plan para sa kumpletong listahan ng mga kwalipikadong hindi gumagaling na kondisyon at mga kahilingan para sa pagiging kwalipikado.  

 

 

Y0118_26_141E1_M Accepted 10062026
H2819_26_141E1_M Accepted 10062026

Huling na-update ang page: 10/06/2026