Skip to content

Mga Medicare plan na ginawa para sa California

Habang naghahanda ka sa pagpili ng tamang plan sa Medicare, narito ang Blue Shield of California para tumulong sa bawat hakbang mo.

Alamin ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa Medicare
Ano ang Medicare?

Ang apat na bahagi ng Medicare, kasama ang Medicare Advantage at Medicare Supplement plans 

Ano ang Original Medicare?

Part A at B at kung paano mag-enroll

Ano ang mga opsyon ko sa Medicare coverage?

Pagpili ng mga plan na angkop sa iyo 

 

Magkano ang Medicare?

Mga buwanang premium, copay at mga gastusing mula sa sariling bulsa

Miyembro ka na ba ng Blue Shield Medicare?

Maghanap ng mga dokumento ng plan, mapagkukunang pharmacy, programang pangsuporta, diskwento para sa miyembro at iba pa.

Hanapin ang Medicare plan na pinakaangkop sa iyo
Medicare Advantage Prescription Drug plans
  • Isang kumprehensibong plan na wala o may mababang buwanang premium, mga copay na madaling matantiya, mas mababang buwanang gastos, at taunang maximum na limitasyon sa gastusing mula sa sariling bulsa.
  • Pangunahing benepisyo: Isang plan na nagbibigay ng coverage para sa paningin, pangangalaga sa ngipin,1 at mga inireresetang gamot na lahat ay abot-kaya.
Mga Medicare Supplement plan (Medigap)
  • Isang flexible na plan na tinatanggap ng sinumang doktor at ospital na tumatanggap ng Medicare. Sinasaklaw ang ilan sa mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan na hindi saklaw ng Original Medicare.
  • Mahalagang kaalaman: Ang Blue Shield ay #1 na provider ng Medicare Supplement plan sa California2
Mga Plan ng Inireresetang Gamot (Part D)
  • Isang hiwalay na plan para sa saklaw ng mga inireresetang gamot para sa mga miyembro ng Original Medicare o Medigap.
  • Mga pangunahing feature: $35 para sa insulin sa coverage gap, $0 para sa mga bakuna, at limitasyon sa gastos na babayaran mula sa sariling bulsa
Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP)
  • Isang espesyal na plan na available para sa mga residente ng mga county ng Los Angeles at San Diego na kwalipikado para sa parehong Medicare at Medi-Cal
  • Mahalagang payo: Magsimula rito kung mayroon ka nang Medi-Cal at nakatira ka sa lugar na sakop ng plan na ito.

Kumonekta sa eksperto sa Medicare

Mga Blue Shield Medicare Advisor

Handa ka na bang gawin ang susunod na hakbang? Narito ang aming dedikadong team para matiyak na makukuha mo ang saklaw na kailangan mo. Tawagan kami sa (855) 585-2091 (TTY: 711)* para  makausap ang isang Blue Shield Medicare Advisor. Puwede mo ring i-book ang iyong appointment online.


Mga event ng Medicare 

Dumalo sa isang Medicare event na ginaganap nang personal sa inyong lugar o sa isang online webinar para matuto pa tungkol sa mga Blue Shield Medicare plan at masagot ang mga tanong mo.

Bakit pinipili ng mga taga-California ang Blue Shield Medicare

#1 na provider ng Medicare Supplement plan sa California

5 sunud-sunod na taon mula 20212

Ang Blue Shield ay planong pangkalusugan sa California na hindi negosyo

Bilang hindi negosyo, ginagamit muli ng Blue Shield ang mga kita nito para sa kalusugan ng mga miyembro at mga komunidad

Isang network na ginawa para sa California

Nag-aalok ang Blue Shield ng malawak na network ng mga doktor, ospital, at espesyalista sa buong estado

Maghanap ng plan sa inyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.

1 Maaaring iba ang mga benepisyo depende sa plan at county.

2 Ang Blue Shield of California ay #1 sa market share para sa mga indibidwal na Medicare Supplement plan sa California noong 2021, 2022, 2023, 2024, at 2025 ayon sa datos ng estado at datos ng market share na ibinibigay taun-taon ng Mark Farrah Associates, isang tagapagsama-sama at tagapaglathala ng data.

Y0118_26_141A1_M Accepted 10062026
H2819_26_141A1_M Accepted 10062026

Huling na-update ang page: 10/06/2026