Ang Medicare coverage na ginawa para sa iyo
Ang Blue Shield of California ay isang non-profit na planong pangkalusugan na may misyong tiyakin na ang lahat ng taga-California ay may access sa mataas na kalidad na pangangalagang pangkalusugan.
Tuklasin ang mga plan sa inyong lugar
We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Kumbinyente at abot-kaya: Ang mga plan ay binuo na may mga abot-kayang benepisyo, tampok, at mga pangangailangan sa pamumuhay. Ang mga Optional Supplemental Dental plan para sa karamihan ng mga miyembro ay may kasamamng saklaw para sa ngipin.
Kalayaan at pagpili: Ang ilan sa aming mga plan ay nag-aalok ng higit pa sa mga karaniwang benepisyo, tulad ng over-the-counter (OTC) items allowances, hearing aid, serbisyo sa paningin, access sa Teladoc Health, at iba pa, depende sa Blue Shield Medicare Supplement plan na pipiliin mo.
Pagsaklaw sa iyong mga reseta: Nag-aalok ang Blue Shield ng plan para sa saklaw na mga resetang gamot para sa mga miyembro ng Original Medicare o Medigap. Kabilang sa mga iniaalok nito ang pagbabayad ng hindi hihigit sa $35 para sa isang buwang suplay ng insulin, $0 para sa bakuna, at limit sa gastos mula sa sariling bulsa.
Kung kwalipikado ka para sa Medicare at Medi-Cal: Pinagsasama ng plan na ito ang saklaw ng iyong Medicare at Medi-Cal para maging isang plano na madaling i-manage. Nag-aalok ito ng ekstrang benepisyo para masuportahan ang iyong pangangalaga. Kasama dito ang pagkakaroon ng personal care coordinator at mga benepisyo sa ngipin, paningin, at pandinig. Available sa mga county ng Los Angeles at San Diego.
Nauunawaan namin kung gaano kahalaga sa iyo na manatili sa iyong kasalukuyang doktor. Ang aming mga Medicare Supplement plan ay nagbibigay ng coverage at mga serbisyo mula sa sinumang doktor at ospital na tumatanggap ng Medicare. Sa Blue Shield, ang aming mga MAPD plan ay may isa sa pinakamalalaking network ng mga doktor at ospital sa California. Tingnan ang pinakabagong listahan ng mga provider sa aming direktoryo ng provider.
Hayaan ang Blue Shield of California na tulungan kang gawing mas madali ang pagpili ng Medicare plan. Tuklasin ang mga plan na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong magamit ang mga benepisyong pinakamahalaga sa iyo.
Tawagan kami sa 844-345-8052 (TTY: 711)* para makausap ang isang Blue Shield Medicare Advisor. Puwede ka ring mag-book ng iyong appointment online kung kailan maginhawa para sa inyo.
Ang mga Blue Shield Medicare Advantage plan ay ginawa para mas madali mong maabot ang iyong mga layunin sa kalusugan. Sinasaklaw namin ang Taunang Pagbisita ukol sa Wellness o Kagalingan, SilverSneakers, iba't ibang gamot, maraming screening test, at iba pa.
Dumalo sa isang online Medicare webinar o nang personal sa inyong lugar. Matuto nang higit pa tungkol sa mga Blue Shield Medicare plan at masagot ang iyong mga katanungan.
Kumuha ng libreng kopya ng "Ang Iyong Ginagabayang Landas sa Medicare" para maintindihan ang mga puwede mong pagpiliang saklaw.
Maghanap ng plan sa inyong lugar
We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Narito ang aming dedikadong team para matiyak na makukuha mo ang saklaw na kailangan mo. Tawagan kami sa 844-345-8052 (TTY: 711)* para kumonekta sa isang Blue Shield Medicare Advisor. Puwede mo ring i-book ang iyong appointment online.
1 Ang Blue Shield of California ay #1 sa market share para sa mga indibidwal na Medicare Supplement plan sa California noong 2021, 2022, 2023, 2024, at 2025 ayon sa datos ng estado at datos ng market share na ibinibigay taun-taon ng Mark Farrah Associates, isang tagapagsama-sama at tagapaglathala ng data.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP plan na may kontrata sa Medicare at may kontrata rin sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_26_154A2_M Accepted 10062026
H2819_26_154A2_M Accepted 10062026
Huling na-update ang page: 10/07/2026