Skip to content

Ang Original Medicare ang pundasyon ng saklaw ng Medicare. Mayroon itong dalawang bahagi: Part A (insurance sa kalusugan) at Part B (medikal na insurance). Ang Part B ay may buwanang premium.  Sa pangkalahatan, hindi sinasaklaw ng Original Medicare ang mga reseta.

Dapat kang mag-enroll sa Medicare para masimulan ang saklaw. Kung ikaw ay edad 65 pataas, karapat-dapat kang mag-enroll sa Original Medicare. Karapat-dapat din ang ilang indibiduwal na wala pang edad 65 na may partikular na kapansanan.  

Ang Paunang Panahon ng Enrollment (Initial Enrollment Period, IEP) ay tumatagal ng pitong buwan. Magsisimula ito tatlong buwan bago ka mag-65. Matatapos ito tatlong buwan pagkatapos mong mag-65. Nalalapat ito ikaw man ay mag-retiro sa edad na 65 o kung ikaw ay naka-enroll sa Covered California. 

Sa panahon ng IEP, maaari kang gumawa ng karagdagang pagpipilian tungkol sa saklaw ng Medicare.


Covered California

Kung nakakakuha ka ng tulong mula sa California, maaaring hindi ka na kwalipikado para dito oras na maging karapat-dapat ka sa Medicare.1 At kung patuloy kang tatanggap ng tulong pagkatapos ng panahong iyon, maaaring kailanganin mong ibalik ang ilan sa halaga ng pera o ang lahat ng ito. 

Mahalagang talakayin ang iyong mga opsyon. Tumawag sa isang Blue Shield Medicare Advisor sa (855) 203-3874* para malaman ang higit pa tungkol sa mga opsyon mo. 


Paano mag-enroll sa Original Medicare 

Tawagan ang Social Security sa (800) 772-1213, 8 a.m. hanggang 7 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Ang mga user ng TTY ay dapat tumawag sa 1-(800) 325-0778. Maaari ka ring bumisita sa inyong lokal na Social Security office.

Kung mayroon kang insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng employer mo o ng employer ng asawa mo, alamin muna ang mga opsyon mo bago magpatala sa Part B. Depende sa coverage mo, maaaring hindi mo kailangan ang Part B at maiiwasan mong magbayad ng buwanang premium. Tanungin ang administrator ng mga benepisyo mo o ang kinatawan ng HR para sa tulong sa pagpili ng tamang opsyon para sa iyo. O tumawag sa Blue Shield of California nang libre sa (855) 203-3874*. Narito kami para tumulong.
 

 

Kumuha ng higit pang impormasyon

Mag-download ng libreng booklet†

Kumuha ng libreng kopya ng gabay sa Medicare para maunawaan ang mga pagpipilian mong coverage.

Kung Paano Mag-enroll

Alamin kung paano mag-enroll sa Medicare kapag tapos na ang Paunang Panahon ng Enrollment (Initial Enrollment Period, IEP)

Mga madalas itanong

Alamin ang mga sagot sa ilang mga bagay na madalas itanong tungkol sa Medicare.

1 May isang eksepsiyon: kung kailangan mong magbayad ng premium para sa Medicare Part A coverage at hindi ka pa nakapag-enroll dito, maaari mong ipagpatuloy ang iyong Covered California coverage at patuloy na tumanggap ng tulong pinansyal. Tawagan ang Medicare para sa higit pang impormasyon sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227. Ang mga user ng TTY ay maaaring tumawag sa 1-877-486-2048), 24 oras kada araw, pitong araw kada linggo, maliban sa mga holiday.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

Y0118_26_141B1_M Accepted 10062026 
H2819_26_141B1_M Accepted 10062026

Huling na-update ang page: 10/07/2026